Archive for the ‘Tagalog News’ Category

Koreans may pinakamalaking bilang sa pagbisita ng bansa

Humigit isang bilyong dolyar ang naipasok ng industriya ng turismo sa bansa sa unang quarter ng taong kasalukuyan kung saan mayroong pinakamalaking naiaambag sa nasabing kita ang mga Koreano na may bilang na 175,147 na bumisita sa bansa.

Pangalawa naman dito ay ang mga turistang mula sa United States na may 166,128 samantalang pangatlo naman ang mga Japanese na may bilang na 99,453, pang-apat ang mga turistang Chinese na may 48,619.

May bilang naman na 31,441 ang mga turistang Taiwanese na nasa panglimang may pinakamalaking nai-ambag sa malaking tourism revenue ng Pilipinas sa unang quarter at pang-anim ay mga turistang mula sa bansa Hong Kong na may 31,344.

Ang mga Australian naman ay may 30,936, Canadians 29,525, UK nationals 23,863 at ang mga Singaporean naman ay may kabuuang 23,761 tourists. Read the rest of this entry »